dzme1530.ph

PBBM, ipinag-utos ang pag-adopt sa development plans para sa MSMEs at Culture and the Arts

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-adopt sa Micro, Small, and Medium Enterprise Development Plan 2023-2028.

Sa Memorandum Circular no. 73, nakasaad na ang MSMEDP ang magsisilbing blueprint para sa pagpapalakas at pagiging globally competitive ng MSME sector, tungo sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

Kaugnay dito, inatasan ang Dep’t of Trade and Industry bilang lead agency na magtatag ng Institutional partnerships sa mga kaukulang ahensya at stakeholders, mag-sumite ng taunang report sa Office of the President, at makipagtulungan sa Presidential Communications Office para sa information at awareness campaign sa mga nakapaloob ditong plano at programa tulad ng digitalization ng MSMEs, streamlining ng business registration process, expansion ng machine learning-based credit scoring model, full implementation ng Personal Property Security Act, pag-aangat ng productivity, at pagbalasa sa One Town, One Product program.

Samantala, sa Memorandum Circular no. 74 ay iniutos din ng Pangulo ang pag-adopt sa Philippine Development Plan for Culture and the Arts 2024-2029, at pangungunahan ito ng National Commission for Culture and the Arts. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author