Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-adopt sa 10-year Maritime Industry Development Plan 2028, na magsisilbing whole of nation roadmap para sa pagpapaunlad at pagkakaroon ng strategic direction ng maritime industry ng bansa
Sa Executive Order no. 55, inatasan ang MARINA Board na magpatupad ng mga programa sa modernisasyon at expansion ng domestic at overseas shipping at shipbuilding and ship repair industry, pagtataguyod ng highly-skilled at competitive maritime workforce, pagpapaigting ng maritime transport safety at security, pagsusulong ng environment sustainable maritime sector, maritime innovation, digitalization at knowledge center, at pag-adopt ng epektibong maritime governance system.
Inutusan din ang lahat ng kaukulang ahensya habang hinikayat ang mga lokal na pamahalaan na i-adopt ang MIDP at ang mga kaakibat nitong plano, programa, at istratehiya.
Itinatag din ang MIDP Technical Board para alalayan ang MARINA Board, habang binibigyan din ng awtoridad ang MARINA na bumuo ng technical working groups para sa component programs ng 10-year plan.