dzme1530.ph

PBBM, ipinag-utos ang inter-agency investigation kaugnay ng mga karahasan sa mga paaralan

Loading

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa mga insidente ng karahasan na nangyari sa loob mismo ng mga paaralan kamakailan.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, na inatasan ng Pangulo ang Department of Education (DepEd), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang school-based violence.

Pinatutulong din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pag-evaluate at pag-monitor sa implementasyon ng child protection policies sa mga paaralan sa buong bansa.

Noong nakaraang Huwebes, isang 15-anyos na babae ang binaril sa ulo ng kanyang dating boyfriend sa loob ng classroom sa Santa Rosa, Nueva Ecija.

Namatay ang biktima makalipas ang ilang araw na pagiging kritikal sa isang ospital sa Cabanatuan City habang binawian din ng buhay ang 18-anyos na suspek matapos nitong magbaril sa sarili pagkatapos ng insidente.

Noong Agosto 4 naman, isang guro ang binaril umano ng Grade 11 student sa harapan ng Balabagan Trade School sa Barangay Narra, Lanao del Sur.

About The Author