Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang geomapping o paggawa ng mapa ng mga lupa, upang mapalakas ang ani at kita ng mga magsasaka.
Sa Philippine Rice Industry Stakeholders Movement Meeting sa Malakanyang, inihayag ng pangulo na kasalukuyan nang ginagamit ang geomapping mula sa Bureau of Internal Revenue at National Mapping and Resource Information Authority, para ma-resolba ang mga isyu sa pagti-titulo ng mga lupa.
Tinukoy namang mga balakid sa pagpapataas ng produksyon ang unavailability o kawalan ng access sa real-time data, at mataas na production cost ng bigas.
Naniniwala si Marcos na sa pamamagitan ng geomapping ay mas magiging madali ang lahat mula sa pagti-titulo ng lupa hanggang sa irigasyon at produksyon.
Samantala, tinalakay din sa meeting ang iba pang problema sa agrikultura tulad ng limitadong market access, limitadong access sa capital investment, mahihigpit na polisiya ng BIR, banta ng El Niño, at mabagal na pag-adopt sa teknolohiya. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News