Ipinag-utos ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 24 oras na deployment ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA), upang matiyak na hindi maaabala ang shipment process sa bansa.
Sa meeting ng private sector advisory council – infrastructure sector group, inihayag ng pangulo na sa halip na magdagdag ng team ay mas mainam na gawin na lamang magdamag ang kanilang operasyon, o katumbas ng tatlong 8-hour shifts kada araw.
Ito rin umano ang magbibigay-daan upang mas marami pang cargo ships ang makayang i-accommodate sa bansa.
Sinabi naman ng PSAC na ito ang magtitiyak ng pagpapatuloy ng inspeksyon, clearance, at payment process, at makababawas din ito sa gastos at oras partikular sa x-ray scanning operations ng dalawang ahensya.