dzme1530.ph

PBBM, iniutos sa MMDA at mga LGU na bigyan ng grace period ang e-bikes at e-trikes

Ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa MMDA at mga lokal na pamahalaan na bigyan ng grace period ang e-bikes at e-trikes kaugnay ng pagbabawal sa kanilang dumaan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Sa post sa kanyang X account, inihayag ng Pangulo na kina-kailangan pa ang sapat na panahon para sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa ban.

Gayunman, nilinaw ng Pangulo na mananatiling bawal ang mga e-bike at e-trike sa mga piling pangunahing lansangan, sa ilalim ng MMDA regulation no. 24 – 022 series of 2024.

Ang saklaw lamang umano ng grace period ay ang hindi pag-titicket, pagpapataw ng multa, at pag-impound sa mga ito.

Kung sila man ay paparahin, ito ay para maituro sa kanila ang tamang kalsadang maaari nilang gamitin, kasabay ng pagpapaalala sa bagong patakaran para sa kaligtasan at kaayusan sa lansangan.

About The Author