Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-aaral para sa tuluyang pagsasa-ligal ng pagpasada ng motorcycle taxis sa bansa.
Ito ay sa pakikipagpulong ng Pangulo sa Malacañang sa mga opisyal ng Dep’t of Transportation, at Grab Philippines.
Ayon sa Presidential Communications Office, iniutos ng Pangulo ang agarang pagsusuri sa mungkahing gawing ligal ang motorcycle taxis na kasalukuyan nang ginagamit ng mga commuter.
Tinalakay din ang rekomendasyon ng Grab na luwagan ang regulasyon sa transport network vehicle service (TNVS), at ang posibleng epekto nito.
Mababatid na wala pa ring batas na magle-legalize sa motorcycle taxis, at sa ngayon ay pinahihintulutan lamang itong bumiyahe sa ilalim ng pilot testing.