Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Miyerkules ng umaga ang 19.81 kilometer Airport-New Clark City Access Road (ANAR) project, na magpapaikli sa 20-minuto mula sa isang oras sa biyahe mula sa iba’t ibang distrito ng Clark Pampanga, hanggang sa New Clark City sa Tarlac.
Isinagawa ng Pangulo ang aerial at land inspection sa may bahagi ng Sacobia Bridge sa Clark Freeport and Special Economic Zone.
Kasama niya sina Transportation Sec. Jaime Bautista, Bases Conversion and Development Authority Chairman Delfin Lorenzana, BCDA President and CEO Joshua Bingcang, at iba pang opisyal.
Ang ANAR Project ay may anim na lanes, at tampok din dito ang bike lanes, pedestrian, at linear parks na gumagamit ng renewable energy.
Pinondohan ito ng P8.28 billion, at bagamat bubuksan na ito bukas ay sa Hulyo pa inaasahan ang full-operations nito.
Nakikitang makatutulong ito sa pag-decongest sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagpapasigla ng socioeconomic growth sa Central at Northern Luzon.