Inilunsad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang DMW mobile app para sa mas magaang paghahatid ng serbisyo sa overseas Filipino workers.
Ito ay bilang pagtupad sa isa sa kanyang mga ipinangako noong kanyang unang State of the Nation Address.
Magagamit ang DMW app para sa online at automated na pag-verify ng mga kontrata at pag-iisue ng overseas employment certifications.
Sa kanyang talumpati sa launching event sa Malakanyang, inihayag ng Pangulo na tapos ang mga araw ng pagpila ng mahaba ng mga OFW para sa certification, dahil nasa kamay na nila ang access sa serbisyo.
Nagpasalamat din si Marcos sa Department of Migrant Workers, Bureau of Immigration, at Department of information and Communications Technology para sa kanilang pagtutulungan, at dahil umano sa DMW app ay nakikitang mas magiging magaan na ang pagpasok at paglabas ng borders ng bansa. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News