dzme1530.ph

PBBM, inilabas ang EO 62 na magbababa sa 15% sa taripa sa bigas

Inilabas na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order No. 62 na magbababa ng Taripa sa mga imported rice.

Sa ilalim ng kautusan, mula sa 35% ay ibababa na sa 15% ang in-quota at out-quota tariff rates sa iba’t ibang imported rice tulad ng brown rice, semi-milled o wholly milled rice, glutinous rice, basmati rice, at iba pang rice variety.

Ito ay alinsunod sa Comprehensive Tariff Program 2024-2028 na inaprubahan ng National Economic And Development Authority (NEDA) Board.

Una nang sinabi ng NEDA na layunin ng pagtatapyas ng taripa sa imported rice na makamit ang 29 pesos na kada kilo ng bigas.

Samantala, inaprubahan din ang pagpapanatili ng mababang taripa o most favored nation tariff rate sa maraming produkto tulad ng mais, karneng baboy, mechanically deboned meat, asukal, at maraming gulay, tungo sa pagkontrol ng inflation rate.

About The Author