dzme1530.ph

PBBM, inaprubahan ang tuluyang pagputol ng ugnayan ng Pilipinas sa ICC

Aprubado para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tuluyang pagputol ng ugnayan ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Ito ay kasunod ng pagbasura ng ICC Appeals Chamber sa apila ng gobyerno ng Pilipinas kaugnay ng pagpapatuloy ng imbestigasyon sa madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Solicitor-General Menardo Guevarra, inabisuhan niya ang pangulo kaugnay ng “full disengagement” sa ICC, at sumang-ayon umano ito.

Kaugnay dito, sinabi ni Guevarra na wala na silang gagawing anumang hakbang sa ICC.

Matatandaang iginiit sa apila na wala nang jurisdiction sa bansa ang ICC kasunod ng pagkalas nito sa Rome Statute noong panahon ni dating Pangulong Duterte.sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author