dzme1530.ph

PBBM, inaprubahan ang 3-year plan ng DTI para sa mas maayos na food distribution sa bansa

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 3-year Food Logistics Action Agenda ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sa sectoral meeting sa Malakanyang, sinang-ayunan ng Pangulo ang 3-year Plan para sa mas maayos na distribusyon ng pagkain, pagpapababa ng transport at logistics costs, at pagtitiyak ng episyenteng food supply chain.

Pangunahing layunin din nito ang availability, accessibility, at abot-kayang presyo ng pagkain na makararating sa mga consumer sa takdang oras.

Magkakaroon ito ng whole-of-government approach, at palalakasin din ang investments sa imprastraktura sa transportasyon at storage.

Sa paggamit naman ng Information and Communications Technology ay paiigtingin ang paglaban sa hoarding, smuggling, overstaying food imports, at pag-monitor sa mga warehouse o cold storage facilities.

Kaugnay dito, pinaplano na ng DTI na i-upgrade ang food terminals at magtayo ng karagdagang food hubs sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author