Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglalaan ng P3.5 billion para sa malawakang pagtatanim ng puno ng niyog at fertilization program.
Sa sectoral meeting sa Malakanyang, sinang-ayunan ang karagdagang 1 billion pesos para sa target na makapagtanim ng 15.3 million na punong niyog hanggang 2025, at kabuuang 100 milyong puno hanggang 2028.
Inaprubahan din ang mungkahi ng Philippine Coconut Authority na itaas sa P2.5-billion ang budget para sa fertilization o abono.
Sinabi ng Pangulo na dapat tutukan ang produksyon kaya’t mahalaga ang replanting lalo’t matatanda na rin ang mga kasalukyang puno.
Layunin ng Massive Replanting Program na itaas ang produksyon ng niyog sa 4.7 billion nuts, at inaasahang tatangkilikin ito ng pribadong sektor. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News