dzme1530.ph

PBBM, inaming kulang pa ang kanyang ikalawang SONA!

Aminado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kulang pa ang nilalaman ng kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Sa chance interview matapos ang kanyang SONA sa Batasang Pambansa sa Quezon City, inihayag ng Pangulo na marami pa siyang kailangang tutukan.

Sa kabila nito, sinabi ni Marcos na ipauubaya na lamang niya sa kanyang gabinete ang mga detalye ng kanyang mga magiging polisiya.

Matatandaang tumagal ng isang oras at sampung minuto ang ikalawang SONA ng Pangulo at kabilang sa kanyang mga binigyang-diin ang mga nagawang programa at proyekto, kabilang ang mga natupad niyang pangako noong kanyang unang SONA.

Ilan sa mga pinagtuunan ng pansin sa ikalawang SONA ay ang ekonomiya, agrikultura, imprastraktura, enerhiya, edukasyon, kalusugan, social welfare programs, digitalization, kapakanan ng overseas Filipino workers, at pagtatanggol sa teritoryo ng bansa. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author