dzme1530.ph

PBBM, inalok si Gen. Torre ng bagong posisyon laban sa katiwalian –Remulla

Loading

Isiniwalat ni Interior Sec. Jonvic Remulla na inalok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating PNP Chief Police General Nicolas Torre III ng panibagong posisyon na may kaugnayan sa mga hakbang ng pamahalaan para labanan ang katiwalian.

Binigyang-diin ni Remulla na hindi nila pinerpersonal ni Pangulong Marcos si Torre, na sinibak bilang PNP Chief kasunod ng ipinatupad nitong balasahan nang hindi dumaan sa National Police Commission (NAPOLCOM), kung saan ex-officio chair ang kalihim.

Idinagdag pa ng DILG chief na naniniwala pa rin ang Pangulo sa kakayahan ni Torre.

Patunay aniya ito na ang pagkakaiba ng opinyon ay hindi nangangahulugan ng pagtatapos ng pagkakaibigan at working relationship.

About The Author