Inalala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ilang mamamahayag na nagbuwis ng buhay sa paghanap sa katotohanan.
Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng ika-50 Anibersaryo ng Publishers Association of the Philippines Inc. sa Pasay City, inihayag ng Pangulo na mahalagang alalahanin ang sakripisyo ng mga pinaslang na mamamahayag tulad nina Percival “Percy Lapid” Mabasa, Juan “DJ Johnny Walker” Jumalon, Cresenciano Bundoquin, at marami pang iba.
Kaugnay dito, ang pagluluksa para sa kanilang pagkawala ay dapat umanong sabayan ng pagsusumikap na sila ay masilbihan ng hustisya.
Siniguro rin ni Marcos ang pagdodoble-kayod sa pag-protekta sa mga mamamahayag at sa press freedom.
Kasabay nito’y tiniyak ng Pangulo na kasama ng mga mamamahayag ang gobyerno sa pagtindig kasabay ng paghikayat sa kanilang maging responsable sa tungkulin tungo sa pagpapalaganap ng mga naaayong imporasyon at kaliwanagan sa publiko kaugnay ng desisyon ng kanilang mga lider at ang sitwasyon ng lipunan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News