dzme1530.ph

PBBM, ikinatuwa ang pagtaas ng kaniyang trust and approval ratings

Ikinagalak ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang pagtaas ng kaniyang trust and approval ratings sa survey ng Social Weather Stations.

Sa kapihan with media sa Czech Republic, inihayag ng Pangulo na ito ang patunay na nararamdaman na ng mga Pilipino ang epekto ng mga reporma at malaking pagbabago sa administrasyon.

Sa kabila nito, sinabi ni Marcos na ang paglikha niya ng mga polisiya ay hindi nakabatay sa resulta ng surveys.

Kasabay nito’y tiniyak ng Pangulo ang patuloy na pagsusumikap upang maiangat ang pamumuhay ng mga Pilipino.

About The Author