dzme1530.ph

PBBM, ikinalulungkot din ang pagpanaw ni Mike Enriquez

Nakiki-dalamhati rin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpanaw ng beteranong broadcaster na si Mike Enriquez.

Sa post sa kanyang X account, inihayag ng Pangulo na ikinalulungkot niya ang pagkamatay ng isang haligi ng broadcasting industry.

Sinabi ni Marcos na iginugol ni Enriquez ang kanyang buhay sa paghahatid sa mga Pilipino ng balitang hindi bias.

Kaugnay dito, ipinaabot ng Pangulo ang taos pusong pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Enriquez.

Matatandaang una nang nagpaabot ng pakikiramay ang Presidential Communications Office, at sinabi ni PCO Sec. Cheloy Gerafil na si Enriquez ay isa sa mga itinuturing nilang kasangga sa paghahatid ng tapat at walang kinikilingang balita. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author