Aminado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi sapat ang suportang ibinibigay ng gobyerno sa mga atletang Pilipino.
Sa talumpati sa awarding ng incentives sa mga atletang nagwagi ng medalya sa 2023 Sea Games at ASEAN Para Games, inihayag ni Marcos na nahihiya siya kapag nakikita niyang hindi nasusuportahan ang mga atleta, coaches, trainers, at maging ang kanilang mga pamilya.
Ito ay sa kabila ng malaking karangalang ibinibigay nila sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Marcos na maraming atleta ang kung saan-saan na lamang humugugot ng suporta dahil hindi sila natutulungan ng pamahalaan.
Ngunit sa kabila umano nito ay maganda pa rin ang kanilang ipinapakita sa mga kompetisyon.
Kaugnay dito, tiniyak ni Marcos na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat para maibigay ang mga kaukulang tulong, upang mailabas ang tunay na galing ng atletang Pilipino. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News