Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang halong politika ang pagbubunyag sa korapsyon at mga iregularidad sa flood control projects.
Sa isang episode ng BBM Podcast, sinabi ng Pangulo, “Bakit ko sisimulan ang isang bagay kung ito ay para lamang sa political advantage?”
Binigyang-diin ni Marcos na kaya niya ito isiniwalat at ginawang bahagi ng national discourse ay dahil hindi umano dapat magpatuloy ang katiwalian.
Unang tinuligsa ng Punong Ehekutibo ang kakapalan ng mukha ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno at mga kontraktor sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo.
Ibinunyag ni Pangulong Marcos na personal niyang nadiskubre na ilang flood control projects ay palpak o kathang-isip lamang.