Idinulog ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Association of Southeast Asian Nations-Republic of Korea Summit sa Indonesia, ang labis nitong pagkabahala sa intercontinental ballistic missile tests ng North Korea.
Sa kanyang intervention sa ASEAN-Korea Summit, ipinabatid ng Pangulo ang suporta sa “audacious initiative” ng South Korea na isinusulong ang pag-denuclearize ng North Korea.
Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na dapat sumunod ang North Korea sa mga resolusyon ng United Nations Security Council.
Samantala, sinuportahan din ng Pangulo ang Korea-ASEAN Solidarity Initiative na magpapalalim ng kolaborasyon ng ASEAN at South Korea sa political, economic, social, at cultural concerns.
Pinuri rin nito ang pag-suporta ng South Korea sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa harap ng mga aktibidad sa iligal na pangingisda sa rehiyon. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News