Idineklara si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang adopted son ng Camarines Sur, na balwarte ng kanyang dating mahigpit na kalaban sa pulitika na si former Vice President Leni Robredo.
Sa groundbreaking ceremony ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Project sa Naga City, iprinesenta ni Camarines Sur Gov. Vincenzo Luigi Villafuerte ang resolusyong ipinasa ng sangguniang panlalawigan na nagde-deklara kay Marcos bilang adopted son.
Sinabi ni Villafuerte na ito ay bilang pasasamalat sa lahat ng naitulong ng pangulo sa lalawigan, kabilang ang pag-bisita at pagbibigay ng tulong nito noon nang manalasa sa probinsya ang typhoon “Niña” noong 2017.
Sinabi rin ng gobernador na si Marcos bilang dating senador ang kaisa-isang tumutol sa paghahati sa Camarines Sur.
Kapwa hinikayat ni Gov. Villafuerte at Cong. L-Ray Villafuerte ang mga Bicolano na magkaisa na dahil ang tagumpay ng pangulo ay tagumpay ng bawat Pilipino.