Binalewala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga panawagan na magbitiw siya sa pwesto makaraang atasan niya ang mga miyembro ng Gabinete at mga pinuno ng ahensya na magsumite ng courtesy resignations.
Binigyang diin ng Pangulo sa harap ng media delegation na wala sa ugali niya na tinatakbuhan ang problema, kaya bakit siya magbibitiw?.
Noong nakaraang linggo ay ipinaliwanag ni Pangulong Marcos na layunin ng pagpapasumite niya ng courtesy resignation sa Cabinet members na ma-recalibrate ang kanyang administrasyon pagkatapos ng Midterm Election.
Hindi naman tinanggap ni Marcos ang pagbibitiw ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na kamakailan ay ibinunyag ang pagbabago sa Gabinete.