dzme1530.ph

PBBM, ibinabalang pananagutin ang mga tumatakas sa buwis

Loading

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapanagot sa mga nanlilinlang at tumatakas sa buwis.

Sa 2025 National Tax Campaign Kickoff ng Bureau of Internal Revenue sa PICC sa Pasay City, inihayag ng Pangulo na malaki na ang nakamit sa kampanya ng gobyerno kontra tax fraud.

Sa ilalim umano ng Run After Fake Transactions program ng BIR, nasampahan ng kaso ang ghost sellers at buyers, at nahabol ang ₱4.3-B na buwis.

₱110 million naman ang na-kolekta mula sa crackdown sa illicit vape, sigarilyo, at iba pang produktong may excise tax.

Mahigit 307,000 na establisimiyento rin ang binisita at bineripika ng BIR, at na-rekober ang ₱257-M.

Ipina-alala ng Pangulo sa BIR ang mandato nitong matiyagan ang sistemang nagtitiyak na ang bawat pisong nako-kolekta ay napupunta sa mga programa para sa publiko.

About The Author