Muli na namang nalantad ang kaawa-awang estado ng edukasyon sa Pilipinas ngayong pumasok ang tag-init.
Nagpahayag ng pagkadismaya si ACT Teachers Rep. France Castro, sa mala-“oven” na sitwasyon ngayon sa mga pampublikong paaralan.
Aniya ang kapabayaan ng gobyerno sa sektor ng edukasyon ang dahilan kung bakit hindi nakakamit ng kabataang Pilipino ang dekalidad na edukasyon.
Bukod pa dito nalalagay din sa panganib ang kalusugan at kaligtasan ng mga bata sa loob mismo ng mala-oven na silid aralan.
Muling inungkat ng mambabatas ang inihain nitong House Bill 8550 noon pang 2023, para ibalik sa June to March ang school calendar.
Kaugnay nito umapila si Castro kay Pang. Ferdinand Marcos, Jr. na ipra-yoridad ang pagtugon sa mga problema ng education sector gaya ng kakulangan ng classroom, kawalan ng nararapat na ventilation system sa mga eskwelahan, at kakulangan ng clinic at trained health personnel.