![]()
Ipinanawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na bigyang-prayoridad ang pagpasa ng Anti-Dynasty Bill, Independent People’s Commission (IPC) Act, Party-List System Reform Act, at CADENA Act na layong palakasin ang transparency at accountability sa public finance.
Inihayag ito ni Palace Press Officer at Usec. Claire Castro matapos ang LEDAC meeting sa Malacañang kung saan inatasan ng Pangulo ang mga mambabatas na “masusing tingnan at agaran ipasa” ang apat na panukalang batas.
Dumalo rin sa pagpupulong sina Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Faustino Dy III, Majority Leader Sandro Marcos, at iba pang pinuno ng Kamara at Senado.
Sinabi ng PCO na nagkasundo ang LEDAC sa timeline para sa pagpasa ng 2026 General Appropriations Act at sa pagsusumite nito para sa pagpirma ng Pangulo.
