dzme1530.ph

PBBM, hinikayat ang publiko na isumbong sa mga awtoridad ang mga retailer na magbebenta ng bigas ng lagpas sa price ceiling

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang publiko na isumbong sa mga awtoridad ang mga tindahang mahuhuling nagbebenta ng bigas nang lagpas sa itinakdang mandated price ceiling.

Sa ambush interview sa Palawan, inihayag ng Pangulo na ang mga lalabag na retailer ay maaaring i-report sa mga pulis, mga lokal na tanggapan ng Department of Agriculture (DA), at sa lokal na pamahalaan.

Sinabi rin ng Pangulo na ang Department of the Interior and Local Government, DA, Department of Trade and Industry, at maging ang Department of Justice ang magiging lead agencies sa pagpapatupad ng price ceiling.

Inamin naman ni Marcos nasa Metro Manila ang pinakamalaking problema sa presyo ng bigas at hindi ito ganoong kalala sa ibang lugar, kaya’t ang NCR ang kanilang tututukan. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author