Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pakikiisa ng Iglesia ni Cristo sa pagsasakatuparan ng Bagong Pilipinas.
Sa kanyang mensahe para sa ika-110 anibersaryo ng INC, hinikayat ito ng Pangulo na maging instrumento ng pagbabago sa lipunan, sa bawat hakbang ng kabutihan at malasakit.
Umaasa rin si Marcos na patuloy silang magiging inspirasyon hindi lamang sa komunidad kundi sa buong bansa, at ang kanila umanong walang-sawang paglilingkod ay nagpapakita ng pagkakaisa, pag-unlad, at mas malalim na pang-unawa bilang isang sambayanan.
Kaugnay dito, hinimok din ang mga tagasunod ng Iglesia na higit pang pagtibayin ang pananalig at pagmamahal sa panginoon at sa kapwa.