dzme1530.ph

PBBM, hindi nagpasindak sa paghahanda ng Chinese military

Hindi nagpasindak si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa panawagan ni Chinese President Xi Jinping sa kanilang militar na maghanda para sa tensyon sa karagatan.

Sa media interview sa kanyang working visit sa Germany, inihayag ng pangulo na hindi na siya na-sorpresa sa pahayag ni Xi dahil wala namang bago rito, at ito na umano ang polisiya ng China sa loob ng ilang taon.

Kaugnay dito, tiniyak ni Marcos na patuloy nitong ipagtatanggol ang maritime territory ng bansa laban sa posibleng mas agresibong pagtatangka ng China sa pag-angkin ng mga teritoryo.

Sinabi pa ng pangulo na kinikilala ng international community ang maritime territory ng Pilipinas.

About The Author