dzme1530.ph

PBBM, hindi na kinakailangang manghimasok sa girian ng Senado at Kamara sa impeachment process laban kay VP Duterte

Loading

Walang nakikitang dahilan si Senate President Francis Escudero upang manghimasok pa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at solusyunan ang girian sa pagitan ng Senado at Kamara kaugnay sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Escudero na ang isyu ng impeachment ay hindi dapat pag-usapan sa loob ng isang silid na sarado ang pintuan.

Kung may dapat aniyang talakayin ay marapat na gawin ito sa impeachment court alang-alang na rin sa transparency at accountability.

Ipinaliwanag ni Escudero na kapag nabuo na ang impeachment court, ang lahat ng komunikasyon ay dapat gawin sa pamamagitan ng pleading at hindi sa pamamagitan ng press release, meeting o caucus o kahit social media.

Muling paalala ni Escudero sa Kamara na hindi sila magka-level dahil ang Senado ang impeachment court at ang mababang kapulungan ang prosekusyon.

Dahil ang Senado ang korte at nag-uutos sa prosekusyon, ito aniya ay dapat na sundin ng Kamara.

About The Author