Hindi dadalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2024 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Peru ngayong Nobyembre.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cesar Chavez, uunahin muna ng Pangulo ang domestic concerns o mga problema sa bansa, kabilang ang pagtugon ng gobyerno sa mga kalamidad.
Sa halip ay ipadadalang kinatawan ng Pilipinas sa pagtitipon si Dep’t of Trade and Industry Acting Sec. Ma. Cristina Aldeguer-Roque.
Si Aldeguer-Roque ay itinalagang Special Envoy of the President to APEC Economic Leaders’ Week, na idaraos mula Nov. 10-16. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News