Hinamon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng Pilipino na magkaroon ng malalim na sense of pride and ownership sa ating mga lupain na patuloy na nagbibigay ng pagkain sa bansa.
Sa talumpati sa ika-160 anibersaryo ng Philippine Forestry Service, inihayag ng pangulo na ang pagbibigay ng awareness sa publiko tungo sa pangangalaga ng kapaligiran ay isang “Act of Unity” kasama ang international community.
Kaugnay dito, hinikayat ng pangulo ang lahat na protektahan ang natural resources, ang kagubatan, at biodiversity sa harap ng pagiging vulnerable ng Pilipinas sa climate change.
Hinimok din ang publiko na pakinabangan ng maayos ang available na resources.
Hindi nagbanggint ng isyu ang pangulo kaugnay ng sense of ownership ngunit matatandaang may mga isla at teritoryo ang bansa na inaangkin ng China sa West Philippine Sea. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News