dzme1530.ph

PBBM, handang-handa na para sa SONA

Handang-handa na si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa kanyang ikatlong State of the Nation Address ngayong araw ng Lunes, July 22.

Pasado 3:00 hanggang 3:30 ng hapon inaasahang darating ang Pangulo dito sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Kahapon ay nag-practice at pinasadahan ng Pangulo ang kanyang SONA speech sa Malacañang.

Samantala, ang isusuot naman na barong ng Pangulo ay idinisenyo ng mga artisan mula Lucban Quezon, Taal Batangas, at Aklan.

Una nang sinabi ni Marcos na susubukang pagkasyahin sa loob ng isang oras ang kanyang SONA.

About The Author