dzme1530.ph

PBBM, dumalaw sa burol ni SEC Commissioner at former Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevara

Dumalaw si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa burol ng pumanaw na si Securities and Exchange Commission Commissioner at former Senior Deputy Executive Secretary Atty. Hubert Guevara.

Ibinahagi ng Presidential Communications Office ang mga litrato ng pag-bisita ng Pangulo sa lamay kagabi kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Dumalo rin sila sa misa para sa namayapang opisyal.

Inalala rin ni Marcos ang mabuting paglilingkod ni Guevara kasabay ng pagpapaabot ng taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga kaanak nito.

Mababatid na si Guevara ay sumakabilang-buhay noong March 29 sa edad na 56.

About The Author