Dineputize na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para sa pagbabantay ng seguridad sa 2023 Brgy. at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.
Sa Memorandum Order No. 15 na may lagda ni Executive Sec. Lucas Bersamin, kinatigan ang Resolution No. 10920 ng Commission on Elections na humiling sa pagsang-ayon ng Pangulo sa pag-deputize sa law enforcement agencies at iba pang instrumentalities ng gobyerno kaugnay ng village elections.
Ito ay upang matiyak ang malaya, maayos, ligtas, mapayapa, at credible na eleksyon.
Kaugnay dito, inaatasan ang PNP, AFP, at iba pang kaukulang law enforcement office na direktang makipag-ugnayan sa COMELEC sa pagganap sa kanilang mga tungkulin.
Matatandaang ilang beses nang ipinagpaliban ang BSKE sa bansa, pinakahuli ay noong 2022.
Samantala, sa ilalim ng Memorandum Order No. 14 ay dineputize rin ng pangulo ang AFP at PNP para sa plebisito sa merging ng ilang brgy. sa Bacoor City, Cavite sa July 29. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News