dzme1530.ph

PBBM, dapat magkaroon ng malakas na bastonero sa gabinete para sa isinusulong na reconciliation

Loading

Iginiit ni Senator-elect Panfilo Lacson ang pangangailangang palakasin ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang gabinete.

Sinabi in Lacson na dapat magkaroon ng mahusay at malakas na bastonero sa kanyang gabinete sa gitna ng naging  pahayag ng Pangulo na handa siyang makipagkasundo sa mga Duterte.

Ayon kay Lacson, typical na sa pangulo ang kabaitan at kabutihan ng puso sa pakikitungo sa  mga tao na ipinapalagay ng kanyang mga kaalyado at kalaban na kahinaan ng kanyang liderato.

Kaya naman mainam anya na magkaroon ng isang  malakas na bastonero ang pangulo sa kanyang gabinete  na may kakayanang pasunurin tungo sa mahusay na pamamahala o good governance  ang mga opisyal ng gobyerno kabilang na ang mga miyembro ng Kongreso.

Iginiit ni Lacson na may tatlong taon pang termino ang Pangulo, sapat na panahon anya ito para baguhin at ayusin ang pamumuno sa bansa.

About The Author