dzme1530.ph

PBBM, bumuo ng ‘super body’ na magpapaigting ng human rights protection sa bansa

Nagtatag si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ng ‘super body’ na magpapaigting ng pagtatanggol ng karapatang pantao sa bansa.

Sa Administrative Order No. 22, ipinag-utos ang paglikha ng Special Committee on Human Rights Coordination, na aatasang magsagawa ng imbestigasyon, data-gathering, at pagpapanagot sa human rights violations, pakikipagtulungan sa pribadong sektor, at pagbuo ng mekanismo para sa implementasyon, reporting, at pagfollow-up ng human rights incidents, at pagtataguyod ng makataong diskarte sa paglaban sa iligal na droga at maging sa terorismo.

Pinababantayan at ipinatitiyak din dito ang pagpapatupad ng mga polisiya at programa sa pagtatanggol ng karapatang pantao ng Persons Deprived of Liberty, kaakibat ng pagsisigurong hindi sila nakararanas ng torture at iba pang hindi makataong parusa.

Ang komite ay pamumunuan ng executive secretary, kalihim ng Department of Justice bilang co-chair, at mga kalihim ng Department of Foreign Affairs at Department of the Interior and Local Government bilang mga miyembro.

Inatasan naman ang lahat ng ahensya ng gobyerno habang hinikayat ang mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor na suportahan ang misyon ng human rights super body.

About The Author