Biyaheng Visayas si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw ng Lunes para sa pamamahagi ng mga titulo ng lupa at support services sa mahigit 8,000 Agrarian Reform Beneficiaries.
Unang tutungo ang pangulo sa Dumaguete City sa Negros Oriental para sa distribusyon ng Certificates of Land Ownership Awards na sasaklaw sa kabuuang 2,866.5 ektarya ng lupang sakahan, para sa 2,426 Agrarian Reform Beneficiaries.
Bukod dito, ituturnover din ang P100 million na halaga ng farm-to-market roads, at P17.5 million na halaga ng farm machineries at equipment.
Mamayang hapon naman ay darating ang pangulo sa Tacloban City para sa pamamahagi ng 5,438 titulo ng lupa, pag-turnover ng P350 million na halaga ng farm-to-market roads, at P509.45 million na halaga ng support services projects para sa mahigit 5,900 benepisyaryo.