dzme1530.ph

PBBM, biyaheng Samar at Leyte ngayong araw para sa patuloy na pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda

Biyaheng Eastern Visayas si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Huwebes para sa patuloy na pamamahagi ng presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño o matinding tagtuyot.

Bibisita ang Pangulo sa Palo, Leyte para sa pamimigay ng cash aid, mga kagamitan sa pagsasaka, at iba pang tulong.

Bibigyan din ng cash assistance ang mga kaukulang lokal na pamahalaan.

Bukod dito, magtutungo rin si Marcos sa Calbayog City, Samar.

Makakasama ng Pangulo sina House Speaker Martin Romualdez, Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., DSWD Sec. Rex Gatchalian, DILG Sec. Benhur Abalos, at mga lokal na opisyal.

About The Author