Biyaheng Maguindanao at Cotabato si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw ng Lunes para sa iba’t ibang aktibidad.
Alas otso ng umaga mamaya inaasahang darating ang pangulo sa Parang, Maguindanao del Norte para sa graduation ceremony ng Bangsamoro Police basic recruit course o batch Alpha bravo “bakas-lipi”.
Kasunod nito ay dadalo si Marcos sa komemorasyon ng ika-sampung anibersaryo ng paglagda sa Comphrehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Pasisinayaan din ng Chief Executive ang Phase 2 ng NIA Irrigation project sa Malitubog-Maridagao sa Pikit, Cotabato.
Pinaka-huli sa aktibidad ng pangulo ay ang awarding ceremony at talk to the troops sa headquarters ng 6th Infantry Division sa Camp Brig. Gen. Gonzalo H. Siongco sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.