dzme1530.ph

PBBM, biyaheng Laos ngayong araw para sa 44th at 45th ASEAN Summit

Biyaheng Lao People’s Democratic Republic si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw ng Martes, para sa pagdalo sa 44th at 45th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Alas-12:30 ng tanghali inaasahang darating ang Pangulo sa Villamor Airbase sa Pasay City para sa Departure ceremony.

Inaasahang tatalakayin sa ASEAN Summit ang regional, international, at geopolitical issues, kabilang ang sitwasyon sa Myanmar, Gaza, Ukraine, at Korean Peninsula.

Idudulog din ng Pangulo ang sigalot sa South China Sea, habang pag-uusapan din ang isyu ng human trafficking sa Pilipinas at iba pang ASEAN countries.

Magkakaroon din ng bilateral meeting si Marcos sa mga lider ng Canada, New Zealand, Vietnam, at Japan.

Makikipagkita rin ito sa ASEAN parliamentary members, ASEAN business leaders, at gayundin sa nasa apat na raang miyembro ng Filipino community sa Laos.

Aarangkada ang Lao Trip mula Okt. 8 hanggang Okt. 11. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author