dzme1530.ph

PBBM, biyaheng Indonesia sa susunod na linggo para sa 43rd ASEAN Summit

Biyaheng Indonesia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa susunod na linggo para sa 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Sa press briefing sa Malakanyang, inanunsyo ni Foreign Affairs Assistant Sec. For ASEAN Affairs Daniel Espiritu na bibisita ang Pangulo sa Jakarta mula Setyembre a-5 hanggang a-7.

Ito ay bilang pagpapaunlak sa imbitasyon ni Indonesian President Joko Widodo na tumatayong chairman ng ASEAN ngayong taon.

Ang 43rd ASEAN Summit ay inaasahang magiging follow-up ng mga napag-usapan sa 42nd ASEAN Summit noong Mayo.

Nananatili pa rin ang tema ng ASEAN Summit ngayong taon na “ASEAN Matters, Epicentrum of Growth”. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author