dzme1530.ph

PBBM, biyaheng Germany at Czech Republic sa susunod na linggo

Biyaheng Germany at Czech Republic si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa susunod na linggo para sa apat na araw na working visit.

Ito ay matapos ang back-to-back visit ng Pangulo sa Canberra at Melbourne, Australia.

Ayon sa Malacañang, kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos ay bibisita ang Pangulo sa dalawang European countries mula Mar. 11 araw ng Lunes, hanggang Mar. 15, araw ng Huwebes.

Makikipagkita ang Pangulo kay German Chancellor Olaf Scholz sa Berlin.

Sa Czech Republic, makikipagpulong ito kina Czech President Petr Pavel, Prime Minister Petr Fiala , Parliament-Senate President Miloš Vystrčil, at President of the Chamber of Deputies Markéta Pekarová Adamová.

Makikipagkita rin si Marcos sa mga prominenteng business leader’s para talakayin ang mga oportunidad sa kalakalan at investments.

Makiki-salamuha rin ito sa Filipino Community sa Germany at Czech Republic upang ilatag ang mga programa at plano ng administrasyon para sa Overseas Filipinos.

About The Author