Biyaheng Dubai, United Arab Emirates (UAE) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bukas para dumalo sa 2023 United Nations Climate Change Conference.
Sa turnover ceremony ng People’s Survival Fund sa Malakanyang, kinumpirma ni Marcos na makikilahok ito sa 28th Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change o COP28.
Sinabi ni Marcos na sa pagtitipon ay kanyang hihikayatin ang iba’t ibang bansa na suportahan ang Climate Financing.
Ipinaalala rin ni Marcos ang obligasyon ng lahat sa pangangalaga sa planeta para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.
—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News