dzme1530.ph

PBBM binigyang-pugay ang mga magsasaka sa Gawad Agraryo 2025

Loading

Kinilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sipag, tiyaga, at ambag ng mga Pilipinong magsasaka sa sektor ng agrikultura at lokal na produksyon sa bansa.

Sa pagdiriwang ng Gawad Agraryo 2025 ng Department of Agrarian Reform na ginanap sa San Juan Government Center, binigyang-pugay ng Pangulo ang layunin ng programa na parangalan ang mga natatanging magsasaka na may malasakit sa kalikasan, agrikultura, at kapwa Pilipino.

Pinangunahan ng Pangulo at ni DAR Secretary Conrado Estrella III ang paggawad ng tropeo sa 10 Most Outstanding Agrarian Beneficiaries, Top 3 Most Progressive Agrarian Reform Beneficiary Organizations, at 4 Most Progressive Agrarian Reform Communities.

Iginiit ng administrasyong Marcos Jr. na patuloy na isusulong ang repormang agraryo bilang susi sa pagpapatibay ng agrikultura at pag-angat ng kabuhayan ng mga magsasaka.

About The Author