dzme1530.ph

PBBM, bibisita sa Vietnam sa unang buwan ng 2024

Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang nakatakdang state visit ni Pangulong Bongbong Marcos sa Vietnam sa January 2024.

Inanunsyo ito ni Manalo sa kanyang official visit ngayon sa Vietnam.

Aniya, kabilang sa inaasahang tatalakayin nina PBBM at Vietnamese President Vo Van Thuong sa Enero ay ang pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Vietnam.

Dumalo ang kalihim ngayon sa 10th Philippine Viet Nam Joint Commission for Bilateral Cooperation.

Pagkatapos nito ay dadalo naman si Manalo sa Vientiane para sa 2nd Philippines-Lao PDR Joint Commission on Bilateral Relations.

Makikipag-ugnayan rin ang kalihim sa diplomatic community upang magbigay ng talks sa Institute of Foreign Affairs na may temang “Closer Together: People at the Center of Philippines-Laos Relations.” –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author