Nakatakdang bumisita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Unites States Indo-Pacific Command headquarters sa Hawaii.
Ang nasabing pagbisita ng Pangulong Marcos ay magiging bahagi ng biyahe nito Estados Unidos sa susunod na linggo para sa pagdalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Leaders’ Summit.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Charles Jose, inimbitahan mismo ang pangulo sa Indo-Pacific Command, at magkakaroon din ito ng roundtable discussion sa Daniel K. Inouye Asia-Pacific Center For Security Studies.
Sinabi ni Jose na maaari itong makadagdag sa kooperasyon sa “like-minded states” upang maitaguyod ang rules-based order lalo na sa mga maritime areas.
Mangyayari ang pag-bisita sa Indo-Pacific Command sa harap ng lumalalang tensyon sa West Philippine Sea.
—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News