dzme1530.ph

PBBM, balik na sa public duties matapos gumaling mula sa trangkaso

Nagbabalik na sa kanyang public duties si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos itong maka-rekober sa trangkaso.

Inanunsyo ng Malacañang na wala nang flu-like symptoms ang Pangulo at gayundin si First Lady Liza Araneta-Marcos, at maganda na ang lagay ng kanilang kalusugan.

Kaugnay dito, pinayagan na sila ng kanilang mga doktor na bumalik sa trabaho sa lalong madaling panahon.

Ngayong umaga ay pangungunahan ng pangulo ang sectoral meeting sa malakanyang upang talakayin ang sitwasyon kaugnay ng El Niño, at gayundin ang paghahanda sa La Niña.

Mamayang hapon ay makikipagpulong din ito sa ilang US Lawmakers na bahagi ng US Congressional Delegation, at gayundin sa mga opisyal ng Indian Ministry of External Affairs.

About The Author