Balik-bansa na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang limang araw na pag-bisita sa Singapore.
Kinumpirma ng Presidential Communications Office na nakarating na sa bansa ang Pangulo.
Matatandaang dumating sa Singapore ang Pangulo sa kanya mismong kaarawan noong Setyembre a-13.
Dumalo ito sa 10th Asia Summit kung saan kanyang iprinisenta ang Pilipinas bilang isang investment destination, at ibinida rin nito ang Maharlika Investment Fund.
Nakalikom din ito ng multi-billion peso investment pledges mula sa ilang nakapulong na foreign companies.
Pinakahuli naman sa aktibidad ng Pangulo sa Singapore ay ang panunuod ng Formula One Singapore Grand Prix 2023. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News