dzme1530.ph

PBBM at VP Sara, nakakuha ng majority approval at trust ratings sa pinakahuling Pulse Asia survey

Nakuha nina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte ang mayorya ng approval at trust ratings noong Marso, batay sa resulta ng Pulse Asia Survey.

Nakakuha si Pangulong Marcos ng approval rating na 78% habang si VP Sara ay mayroong 83%.

Sa trust rating naman, nakapagtala ang pangulo ng 80% habang ang bise presidente ay may 85%.

Samantala, nag-tie sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez sa kanilang approval rating na 51%.

48% naman ang nakuhang trust rating ni Zubiri habang si Romualdez ay may 44%.

Sa matataas na opisyal ng pamahalaan, si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang nakakuha ng pinakamababang approval at trust ratings na 43% at 39%.

Isinagawa ang survey noong March 15 hanggang 19, sa pamamagitan ng in-person interviews sa 1,200 adult respondents. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author